Resulta ng sama-samang pagkilos laban sa kriminalisasyon ng di-dokumentadong mga immigrant at migrante sa Estados Unidos (US) ang bagong lagdang Executive Action on Immigration dito.
Ito ang sabi ng Migrante International matapos lagdaan ni Pang. Barack Obama ng Estados Unidos (US). Pero ayon sa grupo, simula pa lamang ito ng laban para sa ganap na pagkilala sa karapatan ng immigrants at migrante, kabilang ang mga Pilipino, sa US.
Inanunsiyo ni Obama noong Nob. 20 ang naturang Executive Action na nagpapataw ng “istriktong mga rekisito” para di-madeport ang di-dokumentadong mga indibidwal mula sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.
Dahil sa mga limitasyon ng aksiyon ni Obama, pili lang ang maaaring makinabang dito, ayon sa Migrante.
Kikilalanin lang ng ng Executive Action ang isang immigrant sa US kapag pasok sa sumusunod na mga pamantayan: nanirahan siya sa bansa sa loob ng limang taon; ang mga anak ay mga mamamayan na ng US; pasado siya sa criminal background check; at sang-ayon siyang “magbayad ng karampatang buwis.”
“Tumugon si Obama sa ilan taon nang iginigiit ng ating komunidad, pero ang executive order na ito ay pansamantala lang at malayo para maging sapat. Dapat nating ipagpatuloy ang pagtulak sa relief na kailangan ng ating mga komunidad,” pahayag sa wikang Ingles ni Terrence Valen, presidente ng National Alliance for Filipino Concerns, o Nafcon, sa US.
Iginigiit ng maraming grupo ng mga immigrant, pati ng Nafcon at Migrante International ang panawagang “Legalization for All” o paglelegalisa ng lahat ng di-dokumentadong mga immigrant na natulak lang na pumunta sa US dahil sa krisis (pang-ekonomiya man o pulitikal) sa kanilang bansa.
Sa panawagang legalisasyon para sa lahat, di-batayan ang haba ng panahon na paninirahan, affiliation, o pang-ekonomiyang kalagayan ng indibiduwal para kilalanin ang legal na karapatan sa ilalim ng batas ng US ng immigrant o migrante.
“Walang tao na ilegal. Ang pagiging di-dokumentado ay di-kailanman dahilan para pagkaitan ng batayang karapatang pantao,” sabi pa ng Migrante.
Tinutugunan ng mga di-dokumentadong manggagawa mula sa ibang bansa ang pangangailangang lakas-paggawa ng US. Sila rin umano ang pinaka-bulnerable sa pagsasamantala at mardyinalisasyon.
“Malaki ang ambag nila sa mga ekonomiya ng host countries sa pamamagitan ng kanilang lakas-paggawa, palitang kultural, pang-ekonomiyang pangkonsumo, at pagbayad ng buwis sa pamamagitan ng mga bayarin, yutilidad at pamimili,” sabi pa ng Migrante.
Panandalian lang ang Executive Action at magiging epektibo lang sa isang takdang panahon sa 2015, kaya panawagan ng Migrante na magmatiyag ang mga immigrant at migrante sa US at maging sa ibang bahagi ng mundo.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=32660
on Nov 29 2014. Filed under Balitang Global, OFW.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0.
You can leave a response or trackback to this entry
Source Article from http://pinoyweekly.org/new/2014/11/inisyal-na-tagumpay-para-sa-kanilang-karapatan-nakamit-ng-immigrants-sa-us/
Inisyal na tagumpay para sa kanilang karapatan, nakamit ng immigrants sa US
http://pinoyweekly.org/new/2014/11/inisyal-na-tagumpay-para-sa-kanilang-karapatan-nakamit-ng-immigrants-sa-us/
http://news.search.yahoo.com/news/rss?p=immigrant
immigrant – Yahoo News Search Results
immigrant – Yahoo News Search Results